Dumating ang maraming taon kumalat sa buong mundo agn makabagong teknolohiya. Dumami ang mga kagamitan na nakakatulong sa mga tao at sa lahat ng may bu hay sa mundo. Maraming nagbago mula ng dumating ang mga matatalinong imbentor . Sila ang mga gumagawa at nagiimbento ng mga kagamitan na tutulong sa mga tao at sa unti unting pagkasira ng mundo. Ngunit may imbentor din na masama at gumagawa ng imbensyon na nakakaapekto sa mga tao at sa mundo. Isa na dito si Dr.Norman na mainggitin at masama.
Sa paaralan ng Dizon, may mga kabataan na mahilig sa mga imbensyon ng kanilang paboritong imbentor na si Dr.Francis Luna. Sina Marco, Red, at Judy ay magkakaibigan na nagtuturo ng tamang gamit ng mga bagong imbentong gamit. At habang nagkaklase ang magkakaibigan sa pinaka mataas na seksyon, ay dumalaw sa kanila si Dr.Francis. Dumalaw siya upang makapag-isip ng panibagong imbensyon at tumulong sa kanya na mga estudyante para sa isang misyon. Kasama ang anak na si Regine ay pumasok sila sa silid ng magkakaibigan, dahil sa pagkamanghaay agad na tumayo ang tatlo at agad na nagpakilala kay Dr.Francis. Nabigla din ang imbentor sa ginawa ng magkakaibigan . Pagkatapos makipagkilala ay tinungo kaagad ni Red si Regine upang makipagkilala, ngunit nahalata ito ng ama at agad silang pinaupo. Sinabi na ng imbentor ang tunay na pakay sa mga estudyante. Maraming nagprisinta ngunit tatlo lang ang kailangan niya.
Dahil sa nalaman ng imbentor ang mabuting intensyon nila Red, Marco at Judy ay sila ang pinili nito. Isinama na sila ni Dr.Francis sa kanyang laboratoryo pagkatapos ng kanilang klase. Sumakay sila gamit ang teleporter car ni Dr. Francis . Pinasyal ni Regine ang tatlo sa lab, makita nila ang mga kakaibang imbesyon ng imbentor . Muntikan pang makasira si Red dahil sa taglay na kakulitan nito.
courtesy of google.com |
Tinawag na sila at pinapunta sa tagong silid. Pinakita ni Dr.Francis ang ibibigay niya sa mga bata. Ito ay ang vetrogadget, isang relo na kayang kumontrol ng iba't-ibang elemento. Ibinigay niya ito sa mga bata, ang itim na vetrogadget ay ibinigay kay Marco na kumokontrol sa lupa at bakal. Ang puti ay kay judy na kayang kontrolin ang hangin. Si Red ang nakatanggap ng pula na kumokontrol ng apoy, agad na umiral ang kakulitan nito at sinubukang testingin ito, ngunit agad itong naagapan ni Regine na may hawak ng asul na vetrogadget na kayang kumontrol ng tubig.
Agad na silang nag-ensayo at sinubukan ang kanilang mga lakas. gamit gmit ang vetrogadget. naging isang grupo ang apat, agad naman nagkasundo sina Regine at Judy dahil parehas nilang libangan ang kompyuter at parehas silang babae. Si Marco ang naging lider ng grupo dahil siya ang pinakamatipuno at pinaka malakas ang pangangatawan. Habang si Red ay patuloy na nanlilligaw kay Regine habang nag-eensayo. Sa malawak na silid nila ito ginawa at ipinakita ang kanilang mga lakas.
Sa kabilang banda ay naguumpisa na ring maghimagsik ng kaguluhan si Dr. Norman. Gumawa siya ng
mga robot upang sirain ang mga gawa ni Dr.Francis at pinsalain ang mga tao. Nanguna dito si Lancer na kanang kamay ni Dr.Norman at isa ring robot.
Dahil sa nalaman ito ni Dr..Francis, umisip kagad siya ng paraan upang sugpuin ang balak nito. Papalapit na ang mga robot ni Dr.Norman sa lab ni Dr.Francis upamg sirain ang mga imbensyon nito at siya na ang magiging pinaka magaling na imbentor sa lahat. Nakahanda na rin ang magkakaibigan, suot ang kanilang mga vetrogadget at armor suit nila.
Dumating na ang inaasahan, dumating na mula sa himpapawid ang daan daang robot ni Dr.Norman ngunit di agad ito pinapalampas ni Judy at nagpakawala ng tornado upang itaboy sila. Kasabay ang flame thrower ni Red upang mabawasan pa ang mga ito. At lahat naman ng bumababa sa lupa ay agad winawasak ni Marco gamit ang malabatong kamao at at bakal na katawan nito. Kakaiba naman ang ginawa ni Regine na nagpakawala ng tidal wave at sinira ang mga robot nito kasama si Lancer .
Unti-unti ng napapagod ang mga bata at nasasaktan na rin sila. Dahil sa pagkapagod ay biglang natamaan si Red ni Lancer gamit ang kanyang canonwave. Agad naman siyang kinuha ng tatlo at tinulungan. Habang hinaharangan ni Marco ang pwesto nila ay ginagamot na ni Regine si Red at binibigyan naman ni Judy si Red ng sariwang hangin.
At ng umayos na si Red, naging determinado siya at pursigidong tapusin na ang laban dahil sa ginawa ni Regine sa kanya. Nagaapoy ang mga mata ni Red na pinaulan ng fire ball ang mga robot at si Lancer ay kanyang pinabagsak sa tulong na rin ng mga kaibigan. ngayon ay nagkaroon n aa ng lakas ng loob ang lahat upang tapusin na ito. Naubos na nga ang mga robot, masaya na ang lahat dahil sa tagumpay nila, pero di pa huli ang lahat. Dumating si Dr.Norman upang pasabugin ang laboratoryo sa pamamagitan ng imbensyon niyang makapangyarihang robot.
Mabuti na lang at nai-upgrade agad ni Dr. Francis ang gamit na vetrogadget upang lumakas pa ang relo.
Naging isang higante si Marco dahil panagdikit dikit niya ang mga bato sa kanyang katawan. Tinapatan kaagad si Dr.Norman. Habang pinapainitan at binabasa nila Red at Regine ang robot ay pinpalipad naman sila ni Judy. Unti-unting humina ang dipensa ng robot at bumagsak ito sa suntok ni Marco.
Natapos na ang gulo, masaya na ang lahat pero pagod na ang mga bata. Natigil na rin ang plano ni Dr.Norman. Napatunayan na ri na si Dr.Francis ang pinaka magaling na imbentor sa mundo. Dahil ito sa tulonmg nila Red, Marco, Judy at kanyang anak na si Regine.
Pinatunayan lamang nito na walang maidudulot na kabutihan ang kasakiman atinggit. Mas mabuti pa rin ang maging mapagkumbaba. At kailangan din ng pagtutulungan upang matapos ang isan gawain. Bumalik na sa paaralan ang tatlo, nagpasalamat si Dr.Francis sa kanila. Binigyan ito ng gantimpalang siguradong magugustuhan nila. humiling si Red na dumalaw sila lagi dito para kay Regine. Pumayag naman ito at masayang tumango. Ngayon ay umuwi sila na dala ang ngiti at ala alang hindi mapapalitan.
No comments:
Post a Comment