Saturday, February 26, 2011

Ang Mapagmahal na Bata

       Isang gabi ng Agosto sa lumang ospital sa Tondo, Manila, inaasikaso ng mga doktor at nurse ang aking nagdadalang taong ina na si Mary Jane Atienza habang hawak ang kamay ng aking ama na si Edgardo Atienza. Hinihintay ang paglabas ng  isang sangol na bubuo ng kanilang pangarap. Makalipas ng ilang oaras ay naipanganak na ang malusog at cute na sangol na pinangalanang Edward James Atienza.


       Ito ang aking pangalan, ngayon magsisimula na ang malawak at magandang istorya ng aking buhay. Noong ako'y sanggol pa ay sa Navotas kami nakatira, magulo at dikit dikit ang kabahayan. Ilang beses din lumipat ng bahay ang aking magulang dahil kami ay nangungupahan pa lamang. Dumadalaw ang aking magulang sa tatay at nanay ni mama at papa upang ipakita ako sa kanila. Tuwang tuwa sila habang kinukurot ang aking pisngi. Bininyagan ako sa isang simbahan sa Navotas, marami akong naging ninong at ninang kasama dito ang kapatid ng papa ko na si Aurea at kapatid ni mama na si Aeron at ilang mga kaibigan at kakalase noon.Tuwing bakasyon ay lagi kaming sa bahay ng aking lolo at lola. 


      Apat na taong gulang ako ay hilig ko ng makipaglaro sa mga kapit bahy, nagpupunta kami sa tindahan kahit wala namang bibilhin. Noong ako'y anim na taon ay nauso samin ang larong teks. Lagi kameng naglalaro ng aking mga kaibigan. Si Edward na aking kapangalan ang aking matalik na kaibigan noon. Sabay kaming bumibili ng teks at nakikipaglaban sa iba. Madalas aykami ang laging nanalo. Nakakaipaglaro kami noon ng taguan at habulan sa aking kaibigan.


      Nagkaroon ako ng isang kapatid na babae na si Ethel Joy Atienza. Minsan ay ako ang nag aalaga sa kanya kapag wala ang aking magulang. Nagsimula na rin akong mag aral sa Day Care , Maaga  akong pinag aral upang makapagsimula ng aralin. Pagkatapos noon ay napagpasyahan nila mama at papa na lumipat kami sa Valenzuela dahil nandito ang aking Daddy at Mommy na kapwa magulang ni mama. Kasama rin sina Kuya Jon, Ate Len, ate Jamie, at ninong Aeron. Dito na kami tumira, hindi na ako madalas lumabas dahil delikado sa dami ng mga sasakyan, kaya kakaunti lamang ang aking naging kaibigan. May nakakalaro pa rin naman ako kahit papano dahil nandyan aking mga pinsan na sina Shy ay Secret, kasama ang aking kapatid. Di nila ako masyado sinasali dahil ako ay lalaki at sila ay puro babae. Kaya nasanay na rin akong maglaro mag isa kasama ang aking mga laruan.


       Nag aral pa ulit ako ng kinder sa NFWC. Dito ay natuto na kaagad akong magbasa at magsulat ng tagalog at english. Ako pa nga ang naging Prince of Hearth sa amin at nung graduation ay isa ako sa mga nagkaroon ng medalya dahil kasama ako sa honor.


       Pitong taong gulang ay grade 1 na ko at nag aaral sa mababang paaralan ng Marulas sa Valenzuela. Lagi kaming nagtatawanan ng aking mga kaklase sa aming guro dahil sa kanyang pangalan na Mrs. Malapit. Pahirapan gumising dahil sa tinatamad bumangon at mahirap maligo sapagkat malamig. Pero araw araw ko itong nalalagpasan. Alam ko na noon kung paano gumawa ng love letter upang ibigay sa aking crush. Grade 2 naman ako ay lagi akong barino dahil sa pang-aasar ng aking guro. Kaya wala ako masyadong natutunan sa  kanya.


      Nabigla ang lahat ng nalaman ng aking pamilya na namatay ang tatay ni  papa na aking lolo. Agad kaming nagpunta ng San Pablo upang tignan at makiramay. Nagkaroon pa ako ng pagkakataon na makilala ang aking mga pinsan at kamag-anak. Sama-sama kami nooong nagpupuyat at umiinom ng kapen barako. Kapag umaga ay kasama ko si kuya John at lagi nya akong nililibre ng pagkain sa labasan.


      Grade 3 naman ako ng makasalamuha ako ng mga maasahan na mga kaibigan. Apat kami noon, sina Cedrick, Justine, Joven at ako. B4 ang tinawag sa aming grupo na nangahulugang bestfriends forever. Galing ito sa sikat na silkkat noong palabas na Meteor Garden na F4. Sama-sama kaming bumibili ng pagkain at parehas lagi kami. At ang paborito naming laro ay ang bilyaran sa desk, gamit ang mga barya at lapis paramihan kami ng maii-shoot sa butas. May kaklase din ako noon na may gusto sa'kin. Lagi siyang lumalapit at tila hindi nahihiyang tumabi sa 'kin. Di nya alam na crush ko rin siya at di ko lang pinapahalata. Ngunit hindi na rin ito nagtagal dahil ito na ang huling pagpasok ko dito. Napag-isipan ulit ng aking magulang na lumipat sa San Pablo, doon kami ay gagawa ng bago at sariling bahay. Pansamantala ay nangupahan muna kami. Lagi akong pumupunta sa aking pinsan upang maglaro. Sina Jepoy at Jhong na magkapatid, at sina Papom, Pepem, at Nene na naging kasabayan ko at naging kaklase ko sa papasukang paaralan.


       Grade 4 na ako, lagi kaming sabay sa pagpasok at pag awas. Marami kaming naging kaklase na barumbado kaya mahirap gumalaw. Nakakapanibago ngunit sinanay ko na rin ang aking sarili. Buti na alang at kamag-anak namin ang aking naging guro. grade 5 naman ako gawing dalawa na ang seksyon upang paghiwalayin ang magagaling sa hindi masyado magaling. Dito ay napasali naman ak sa mga manlalaro na badmenton. Halos araw-araw ay lagi kaming nagpapraktis para sa division meet, ngunit hindi pa rin kami pinalad manalo sa laban. At dahil sa badminton ay nakilala ko ang aking kaibigan na si Edmond, lagi ko siyang nakakasama sa paaralan. Siya ang tumutulong sakin sa panliligaw at iba pang gawain. Hangang mag grade 6 ay kami pa rin ang magkasama.Lagi naming hinihintay pag uwi ang crush ko non na si Joan. Noon dina ay nagkaroon ako ng cellphone na galing kay papa. Kaya lagi ko siyang nakakatext. Hanggang sa grumadyewt na kami, sinulit na ang araw na magkakasama. Nainis ako noon  dahil wala akong pagkain at walang picture, hehe!.. At dahil sa inis ko ay hindi na ako umatend pa ng recognition.


        Baksyon na, huling laro na naming magpipinsan sa pagiging elementarya.Marami kameng kinuhaan na entrance exam sa iba't ibang iskul. Pero sa dinaming yon ay sa paralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National High school ako napadpad. At napasama sa science section.


       Araw na ng unang pasukan, kabado ang lahat. Iniisip kung sino ang makakatabi at magiging kaibigan. Ang masama nito ay nilalagnat pa ako, kaya tahimik ako sa pagpasok sa aming silid aralan. Pinagmamasdan ang mga bagong kaklase . Unang pasok pa lang ay maingay na kaagad ang mga kaklase ko, habang ako ay masama ang pakiramdam. Minsan pa y sumagi sa isip ko na "Ito ba ang mga kaklase ko, na makakasama ko sa araw-araw sa apat na taon?, mahirap ata!" pero nag-iba rin ang pananaw ko ng gumaling ako dahil ako ay nakipag kaibigan at nakipag-usap sa  kanila. Nagkasundo kaagad kami ng mga lalaki at lalo na sina Mikko, Kevin , Kim At Arjay. Kami ang laging magkakasama. Una ko kagad napansin si Farouk dahil sa kakaiba nyang kulay. Kinilala ko na rin ang iba pang kaklase. Naging crudh ko pa noon si Ladilyn dahil sa lagi ko sya noong nakakatext. Second year ay unti-unting nabubuo ang mga grupo at barkadahan sa science dahil sa pagkakagrup sa subject na science. May red team, pink, blue sky blue at kami na black team.


       May iba't ibang grupo ang nagsulputan tulad ng Blue Phanters. Dark Witches at Knightz. Ang Knightz ay  isang banda na gustong tumugtog sa harap ng mga tao ngunit hindi laging natutuloy. Kami ay sina Mikz, Noni, Shi, at ako!, Sa Dark Witches naman ay sina Ladi, Mhoks, Nhica, Piw at Mariz. At sa Blue Phanters ay sina Claire(wishee), Cielo(tolz), ate Mich(bunso) at Reginae(BHE_16). Ang BP ang naging ka-close ko sa mga girls, tinutulungan namin na ligawan ni Mikko si Claire. At dahil don ay napansin ko ang isa kong kaklase na dati kong inaasar na ngayon ay sa kanyan umikot ang mundo ko, siya ay si Reginae.Siya na ang naging inspirasyon ko. sabay kami lagi na umuuwe kasama ang BP at ni Mikko. Ngunit  pag hindi natutuloy ay sa computer shop ang bagsak namin para maglaro ng dota at mag-facebook. Si reginae na ang lagi kong nakakasama mula pagpasok at pag-uwi, gimagawa pa rin kami ng paraan para magkita kahit na walang pasok. At syempre ay naging kami na , maraming masasayang pangyayari ang hindi ko malilimutan, lalo na pag hawak ko ang kanyang kamay.


     Ngunit marami ng nagbago ng maging 4th year na kami. Mahirap mang isipin ay marami ang natangal sa science section at napunta sa sec.A. At isa na dito ay si Reginae. Sobrang lungkot ko ng nalaman ko ito buti na lang nandyan ang mga kaibigan at mga kaklase upang magpasaya sa akin. Naging masaya naman ang mga bawat araw. Minsan ay hindi kame nagkaka-ayos ng aking mahal ngunit patuloy pa din ako sa pagsuyo sa kanya. Ngunit sa hindi inaasahan ay nagbreak kami pagkatapos ng isang taon at isang buwan. Walang araw na hindi ko sya naiisip. Masaya pa rin naman dahil alam ko na mahal nya pa rin ako.


     Sa buhay ng 4-science ay marami ng naging pangyayari ang naging masaya at hindi malilimutan, nagpapatibay dito ang mga pictures na aming kinuhaan sa bawat puntahan at gawin. Minsan nga lang ay hindi ako pinayagan sa JS kaya laking lungkot ko dahil hindi ko mararanasan ang mga  ito.


     Ito ang aking buhay mula pagkabata hanggang 4th year at magpapatuloy pa hanggang sa matupad ko ang aking pangarap at hanggang sa  huli. Ngayon ay gagraduate no ko, iniisip ang mga mangyayari sa hinaharap.

   Sa buhay ng tao ay si maiiwasan ang bumagsak kailangan lang nating tumayo at pagbutihin pa ang bawat gagawin. Patuloy nating abutin ang ating pangarap. Hanggang sa muli!

No comments:

Post a Comment