Saturday, February 26, 2011

Ang Mapagmahal na Bata

       Isang gabi ng Agosto sa lumang ospital sa Tondo, Manila, inaasikaso ng mga doktor at nurse ang aking nagdadalang taong ina na si Mary Jane Atienza habang hawak ang kamay ng aking ama na si Edgardo Atienza. Hinihintay ang paglabas ng  isang sangol na bubuo ng kanilang pangarap. Makalipas ng ilang oaras ay naipanganak na ang malusog at cute na sangol na pinangalanang Edward James Atienza.


       Ito ang aking pangalan, ngayon magsisimula na ang malawak at magandang istorya ng aking buhay. Noong ako'y sanggol pa ay sa Navotas kami nakatira, magulo at dikit dikit ang kabahayan. Ilang beses din lumipat ng bahay ang aking magulang dahil kami ay nangungupahan pa lamang. Dumadalaw ang aking magulang sa tatay at nanay ni mama at papa upang ipakita ako sa kanila. Tuwang tuwa sila habang kinukurot ang aking pisngi. Bininyagan ako sa isang simbahan sa Navotas, marami akong naging ninong at ninang kasama dito ang kapatid ng papa ko na si Aurea at kapatid ni mama na si Aeron at ilang mga kaibigan at kakalase noon.Tuwing bakasyon ay lagi kaming sa bahay ng aking lolo at lola. 


      Apat na taong gulang ako ay hilig ko ng makipaglaro sa mga kapit bahy, nagpupunta kami sa tindahan kahit wala namang bibilhin. Noong ako'y anim na taon ay nauso samin ang larong teks. Lagi kameng naglalaro ng aking mga kaibigan. Si Edward na aking kapangalan ang aking matalik na kaibigan noon. Sabay kaming bumibili ng teks at nakikipaglaban sa iba. Madalas aykami ang laging nanalo. Nakakaipaglaro kami noon ng taguan at habulan sa aking kaibigan.


      Nagkaroon ako ng isang kapatid na babae na si Ethel Joy Atienza. Minsan ay ako ang nag aalaga sa kanya kapag wala ang aking magulang. Nagsimula na rin akong mag aral sa Day Care , Maaga  akong pinag aral upang makapagsimula ng aralin. Pagkatapos noon ay napagpasyahan nila mama at papa na lumipat kami sa Valenzuela dahil nandito ang aking Daddy at Mommy na kapwa magulang ni mama. Kasama rin sina Kuya Jon, Ate Len, ate Jamie, at ninong Aeron. Dito na kami tumira, hindi na ako madalas lumabas dahil delikado sa dami ng mga sasakyan, kaya kakaunti lamang ang aking naging kaibigan. May nakakalaro pa rin naman ako kahit papano dahil nandyan aking mga pinsan na sina Shy ay Secret, kasama ang aking kapatid. Di nila ako masyado sinasali dahil ako ay lalaki at sila ay puro babae. Kaya nasanay na rin akong maglaro mag isa kasama ang aking mga laruan.


       Nag aral pa ulit ako ng kinder sa NFWC. Dito ay natuto na kaagad akong magbasa at magsulat ng tagalog at english. Ako pa nga ang naging Prince of Hearth sa amin at nung graduation ay isa ako sa mga nagkaroon ng medalya dahil kasama ako sa honor.


       Pitong taong gulang ay grade 1 na ko at nag aaral sa mababang paaralan ng Marulas sa Valenzuela. Lagi kaming nagtatawanan ng aking mga kaklase sa aming guro dahil sa kanyang pangalan na Mrs. Malapit. Pahirapan gumising dahil sa tinatamad bumangon at mahirap maligo sapagkat malamig. Pero araw araw ko itong nalalagpasan. Alam ko na noon kung paano gumawa ng love letter upang ibigay sa aking crush. Grade 2 naman ako ay lagi akong barino dahil sa pang-aasar ng aking guro. Kaya wala ako masyadong natutunan sa  kanya.


      Nabigla ang lahat ng nalaman ng aking pamilya na namatay ang tatay ni  papa na aking lolo. Agad kaming nagpunta ng San Pablo upang tignan at makiramay. Nagkaroon pa ako ng pagkakataon na makilala ang aking mga pinsan at kamag-anak. Sama-sama kami nooong nagpupuyat at umiinom ng kapen barako. Kapag umaga ay kasama ko si kuya John at lagi nya akong nililibre ng pagkain sa labasan.


      Grade 3 naman ako ng makasalamuha ako ng mga maasahan na mga kaibigan. Apat kami noon, sina Cedrick, Justine, Joven at ako. B4 ang tinawag sa aming grupo na nangahulugang bestfriends forever. Galing ito sa sikat na silkkat noong palabas na Meteor Garden na F4. Sama-sama kaming bumibili ng pagkain at parehas lagi kami. At ang paborito naming laro ay ang bilyaran sa desk, gamit ang mga barya at lapis paramihan kami ng maii-shoot sa butas. May kaklase din ako noon na may gusto sa'kin. Lagi siyang lumalapit at tila hindi nahihiyang tumabi sa 'kin. Di nya alam na crush ko rin siya at di ko lang pinapahalata. Ngunit hindi na rin ito nagtagal dahil ito na ang huling pagpasok ko dito. Napag-isipan ulit ng aking magulang na lumipat sa San Pablo, doon kami ay gagawa ng bago at sariling bahay. Pansamantala ay nangupahan muna kami. Lagi akong pumupunta sa aking pinsan upang maglaro. Sina Jepoy at Jhong na magkapatid, at sina Papom, Pepem, at Nene na naging kasabayan ko at naging kaklase ko sa papasukang paaralan.


       Grade 4 na ako, lagi kaming sabay sa pagpasok at pag awas. Marami kaming naging kaklase na barumbado kaya mahirap gumalaw. Nakakapanibago ngunit sinanay ko na rin ang aking sarili. Buti na alang at kamag-anak namin ang aking naging guro. grade 5 naman ako gawing dalawa na ang seksyon upang paghiwalayin ang magagaling sa hindi masyado magaling. Dito ay napasali naman ak sa mga manlalaro na badmenton. Halos araw-araw ay lagi kaming nagpapraktis para sa division meet, ngunit hindi pa rin kami pinalad manalo sa laban. At dahil sa badminton ay nakilala ko ang aking kaibigan na si Edmond, lagi ko siyang nakakasama sa paaralan. Siya ang tumutulong sakin sa panliligaw at iba pang gawain. Hangang mag grade 6 ay kami pa rin ang magkasama.Lagi naming hinihintay pag uwi ang crush ko non na si Joan. Noon dina ay nagkaroon ako ng cellphone na galing kay papa. Kaya lagi ko siyang nakakatext. Hanggang sa grumadyewt na kami, sinulit na ang araw na magkakasama. Nainis ako noon  dahil wala akong pagkain at walang picture, hehe!.. At dahil sa inis ko ay hindi na ako umatend pa ng recognition.


        Baksyon na, huling laro na naming magpipinsan sa pagiging elementarya.Marami kameng kinuhaan na entrance exam sa iba't ibang iskul. Pero sa dinaming yon ay sa paralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National High school ako napadpad. At napasama sa science section.


       Araw na ng unang pasukan, kabado ang lahat. Iniisip kung sino ang makakatabi at magiging kaibigan. Ang masama nito ay nilalagnat pa ako, kaya tahimik ako sa pagpasok sa aming silid aralan. Pinagmamasdan ang mga bagong kaklase . Unang pasok pa lang ay maingay na kaagad ang mga kaklase ko, habang ako ay masama ang pakiramdam. Minsan pa y sumagi sa isip ko na "Ito ba ang mga kaklase ko, na makakasama ko sa araw-araw sa apat na taon?, mahirap ata!" pero nag-iba rin ang pananaw ko ng gumaling ako dahil ako ay nakipag kaibigan at nakipag-usap sa  kanila. Nagkasundo kaagad kami ng mga lalaki at lalo na sina Mikko, Kevin , Kim At Arjay. Kami ang laging magkakasama. Una ko kagad napansin si Farouk dahil sa kakaiba nyang kulay. Kinilala ko na rin ang iba pang kaklase. Naging crudh ko pa noon si Ladilyn dahil sa lagi ko sya noong nakakatext. Second year ay unti-unting nabubuo ang mga grupo at barkadahan sa science dahil sa pagkakagrup sa subject na science. May red team, pink, blue sky blue at kami na black team.


       May iba't ibang grupo ang nagsulputan tulad ng Blue Phanters. Dark Witches at Knightz. Ang Knightz ay  isang banda na gustong tumugtog sa harap ng mga tao ngunit hindi laging natutuloy. Kami ay sina Mikz, Noni, Shi, at ako!, Sa Dark Witches naman ay sina Ladi, Mhoks, Nhica, Piw at Mariz. At sa Blue Phanters ay sina Claire(wishee), Cielo(tolz), ate Mich(bunso) at Reginae(BHE_16). Ang BP ang naging ka-close ko sa mga girls, tinutulungan namin na ligawan ni Mikko si Claire. At dahil don ay napansin ko ang isa kong kaklase na dati kong inaasar na ngayon ay sa kanyan umikot ang mundo ko, siya ay si Reginae.Siya na ang naging inspirasyon ko. sabay kami lagi na umuuwe kasama ang BP at ni Mikko. Ngunit  pag hindi natutuloy ay sa computer shop ang bagsak namin para maglaro ng dota at mag-facebook. Si reginae na ang lagi kong nakakasama mula pagpasok at pag-uwi, gimagawa pa rin kami ng paraan para magkita kahit na walang pasok. At syempre ay naging kami na , maraming masasayang pangyayari ang hindi ko malilimutan, lalo na pag hawak ko ang kanyang kamay.


     Ngunit marami ng nagbago ng maging 4th year na kami. Mahirap mang isipin ay marami ang natangal sa science section at napunta sa sec.A. At isa na dito ay si Reginae. Sobrang lungkot ko ng nalaman ko ito buti na lang nandyan ang mga kaibigan at mga kaklase upang magpasaya sa akin. Naging masaya naman ang mga bawat araw. Minsan ay hindi kame nagkaka-ayos ng aking mahal ngunit patuloy pa din ako sa pagsuyo sa kanya. Ngunit sa hindi inaasahan ay nagbreak kami pagkatapos ng isang taon at isang buwan. Walang araw na hindi ko sya naiisip. Masaya pa rin naman dahil alam ko na mahal nya pa rin ako.


     Sa buhay ng 4-science ay marami ng naging pangyayari ang naging masaya at hindi malilimutan, nagpapatibay dito ang mga pictures na aming kinuhaan sa bawat puntahan at gawin. Minsan nga lang ay hindi ako pinayagan sa JS kaya laking lungkot ko dahil hindi ko mararanasan ang mga  ito.


     Ito ang aking buhay mula pagkabata hanggang 4th year at magpapatuloy pa hanggang sa matupad ko ang aking pangarap at hanggang sa  huli. Ngayon ay gagraduate no ko, iniisip ang mga mangyayari sa hinaharap.

   Sa buhay ng tao ay si maiiwasan ang bumagsak kailangan lang nating tumayo at pagbutihin pa ang bawat gagawin. Patuloy nating abutin ang ating pangarap. Hanggang sa muli!

Monday, February 14, 2011

RED-SIXTEEN

courtesy of google.com
     I know you think that my blog's name is just only a color and a number, But for me my blog's name has a lot of meaning. Do you know why is that so? I will tell you why.


    RED, for you is just a color or your favorite color but red for me is a color of love, a color that shows my feelings and a color that keeps me alive. The color of my love life that makes me happy. R-E-D, it is the combination of the name of my special someone and my name. Her name starts with the letter "R" while "ED" came from my name "Edward". This is my codename and I use this name everywhere I go. This is the way to show how I love her.


    "R" stands for Reginae, my special love. She is mt inspiration because she is so beautiful, kind and elegant. I like her style , the way she move and she talk. She makes me feel happy when I saw her . I enjoy walking with her because she makes my day complete. She is the reason why I am always going to school. i want to be with her all the time. Even if she always get mad at me because of my naughtiness.


     "ED" came from my name, Edward, that always get the pain. He is the one that is serious in love. And he's the one that always stick to his promises. Reginae and Edward are the two persons that complete my codename "RED".


      And now, let's go to the meaning of number sixteen(16) of my blog's name. Most of the people have their favorite number, you can get a lot of numbers from 1-100 or even more. sometimes our favorite number came from the date of our birthday, anniversary, or date that make our day memorable. Some people invented their favorite number in the sum or product of the number they see.


     Sixteen is my favorite number because of the date 12-16-10. When she answer me back the word "yes!". That day is the one of my most memorable experience in my life. And every our monthsary I always give her  a memorable give. And that's why 16 is a part of my blog' name.


     RED-SIXTEEN has a lot of meaning for me and my lovelife is enclosed in here.

I am a Responsible Netizen

courtesy of google.com
          Nowadays, lot of people know how to use computer and gadgets that have internet. Students use it as a inference in their studies, assignment and projects. Some people use it in communication, they chat or talk their relatives or loveones in other places.Other young men play their favorite online games or lan games for them to entertain.
          Some create an account to their favorite sites like friendster, facebook, blogspot, tweeter and etc. They are fan of this website for socializing, to have more friends even if you don't know them. And in blog, you can post any thing you want, compositions, songs, and even your diary.
          But how can we be a good and responsible netizen? Netizen is a people or citizen in internet. It is better to be a responsible netizen.
          For me, let us use the internet in better ways. Don't use the internet in to make others bad. They want to make fun other people to entertain. Saying bad words to the person they don't like, tweeter is the example of that.
           I am a responsible netizen, because I love other netizen like my family. Because most of the time if you love your family you will put them away in harm. Taking good care to others is what God wants on us. He wants us to be one loving family. If other netizen saw that you are taking care of them they will become your friends. You can beg for advice and their and they will surely give their advise to you. having many friends in the internet can make you happy. Love other Netizen and you will gain more friends.

      I am a responsible netizen because I use the internet as my reference in my study. Internet is full of information. You can  see many articles here that are not written in the book. Using this may improve your knowledge and make your life easy. It will help you in many aspects of life. Internet also provide adds that gives a job for a jobless person. You can also be entertained by the internet through the internet games and sounds. Internet can do many things but be sure that you will use it properly. Use the internet wisely.

     I am a responsible netizen because I help other netizen what ever their problems. Helping others is good and it will make us to be happy. there is a saying: " It is better to give than to receive" It means that we must give other not forcefully but instead what our hearth told us to give. This is similar to " It is better to help them than they are helping us". Because helping others means that you are strong enough in that problem. So be a helpful netizen.

     I am a responsible netizen because I accept what other want me to do. I accept their suggestions if I think it will help and it will not offend others. Because being open minded is one of the most good characteristic that the person must have . It will bring you for more knowledge and it will help you  to be humble. Being open minded will bring you to success.

      This is what the responsible netizen do. I am a responsible netizen because I. avoid using bad words, I avoid watching pornographic films, I avoid putting wrong information in the internet,I avoid black mailing  others, I love others like my family, I use the internet wisely, I help other netizen and, I am an open minded netizen. This are some of what I maintain to do, to be a responsible netizen.

Clash of the Titans

         Natalo na ng mga mga anak ni Zeus, Poseidon at Hades . Kinumbinsi ni Zeus si Hades na gumawa ng isang malaking halimaw, ang kraken. Si Zeus ang pinuno ng langit, si Poseidon ang hari ng dagat at si Hades ang namuno sa underworld.Si Zeus ang lumikha ng sangkatauhan, at di nagtagal ay nagsimula ng maglinlangan ang mga tao sa pamamalakad ng mga Dios. 


courtesy of google.com
         Isang libong taon ang lumipas, may isang mangingisda nagngangalang Spyros ay nakahanap ng isang kabaong sa dagat. Ang isang sanggol at ang kanyang ina na patay DanaĆ« ay nasa loob ito.Inampon ni Spyros ang bata at pinangalanang Perseus. Makalipas ang ilang taon, habang nakasakay si Perseus sa isang maliit na bangkang pangingisda kasama ang kanyang pamilya ay nasaksihan nila ang isang grupo ng mga sundalo mula sa Argos sa pagsira ng isang napakalaking rebulto ni Zeus, bilang isang deklarasyon ng digmaan laban sa mga dios. Lumitaw si Hades sa harap ng isang kawan ng mga harpies at ng mga kawal. Pagkatapos makamit ni Hades ang tagumpay, sinira nya ang bangkang kinasasakyan ng pamilya ni Perseus.

        Si Perseus ay natagpuan ng mga sundalo, na dinala siya sa Argos. Siya ay dinala sa harap ni King Cepheus at Reyna Cassiopeia ,sa panahon ng kanilang pagdiriwang ng digmaan para sa mga dios. Ang Hari ay gumagawa ng mga pahayag na nagpapakita ng kawalang-galang sa mga dios, at ang Reyna ay pinagkukumpara ang kanilang anak na babaeng si Andromeda sa diyosang si Aphrodite. 

            Nagalit ng lubha si Zeus, dahil dito binigyan ng pagkakataon si Hades na lumitaw sa harap ng kaniyang mga kapatid sa bundok ng Olympus. Sinabi ni Hades na ang mga dios ang dapat kumilos sa paghihiganti laban sa mga pag-aalsa, at kinumbinsi din nya si Zeus na payagang sirain ang Argos. Lumitaw si Hades sa courtroom at pinatay ang mga natitirang mga sundalo at iniligtas si Cassiopeia sa bingit ng kamatayan. Nagbabanta si Hades na kung si Prinsesa Andromeda ay hindi magsakripisyo para sa kaluguran ng mga dios sa loob ng sampung araw, ang Argos ay pupuksain sa pamamagitan ng Kraken. Nang paalis na si Hades ay nagpapakilala si Perseus bilang isang kalahating diyos. Si Hermes ,ang mensahero ng Diyos , ai ibinalita kay Zeus na ang kaniyang anak na si Perseus ay buhay at nasa Argos. Tumanggi si Zeus na protektahan ang anak ng malaman ito. 


          Ibinilanggo ng Hari si Perseus, dahil hindi siya ay lalaban para sa Argos laban sa mga dios. Si Io ang nagpakilala kay Perseus ng kanyang tunay na pamilya. Ito ay upang parusahan si Haring Acrisius para sa kanyang paglaban sa mga dios, nagpanggap si Zeus bilang si Haring Acrisius at siya ang nagging anak. Nang pinatangay ni Acrisius si DanaĆ« at ang sanggol na si Perseus sa agos ay isang galit na galit na Zeus ang nagpatama ng kidlat kay Acrisius na dahilan upang pumangit ang itsura nito. Sinabi din niya kay Perseus na hindi sya tatanda bilang parusa sa pagayaw nya sa panghihikayat ng diyos na si Poseidon. Pagkatapos malaman na ang pagpatay sa Kraken ay magpapahintulot sa kanya upang magkaroon ng paghihiganti laban sa Hades (dahil ito ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang pamilya) Si Perseus ay sumang-ayon na sumama sa pinakamagagaling na sundalo ng Argo sa isang paglalakbay upang mahanap ang Stygian Witches. 

          Habang nasa gubat, na tuklasan ni Perseus ang tabak ng Olympus, pati na rin ang sagradong alaga na lumilipad na kabayo ni Zeus, ang Pegasi. Tinanggihan ni Perseus ang tabak, na maaaring lamang nyang gamitin, at Pegasus, na ang dios ang naghandog bilang tulong, sinabi ni Perseus na hindi nya nais na maging isang diyos. Inatake ni Calibos ang grupo at pinatay halos lahat ng mga praytoryan sundalo at sinubukang patayin si Perseus ngunit tumakas matapos putulin ni Draco ang kanyang kamay. Gayunman, ang dugo ni Caliboay nagging higanteng alakdan sa labas ng buhangin, na inatake si Perseus at pinatay ang lahat ng mga guwardiya, maliban kay Draco, Solon , Eusebios at Ixas. Sila ay nakaligats sa pamamagitan ng Djinn, isang pulutong ng mga dating taong shamans naging mga demonyo ng Arabian mythology, sa pamamagitan ng pagpapalit ng kanilang mga sugat sa gabok atitim na kapangyarihan. Hindi sila lubos na nagtitiwala sa Djinn hanggang ang kanilang lider na si Sheikh Suleiman ang gumamot ng mga sugat ni Perseus.At nang Makita nila Solon at Draco ang pagpapagaling kay Perseus na sa tingin nila ay sinasaktan ito,lumusob sila at sinubukang iligtas siya. Natalo niya ang lahat ng mga mandirigma at sinabi na ang tanging paraan upang matulungan si Perseus ay sa paglaban ng magkasama. Sumama ang Djinn sa grupo ni Perseus dahil nais din nilang Makita ang mga Dios. 

        Nang makarating sila sa mga Stygian witches ay sinabi ng mga ito na solusyon ay nasa ulo ng Gorgon medusa, na maaaring patayin ang Kraken pamamagitan n Gawin itong bato. Binigyan si Perseus ng babala na ang kanyang mga grupo ay mamamatay sa proseso at ang lahat ng mga Djinn, maliban kay Suleiman, iwan na ang mga ito. Umalis sina Ozal at Kucuk na nagsasabing hindi sila maaaring lumaban sa underworld. Binisita ni Zeus si Perseus at binigyan ng panlaban sa Mount Olympus, ngunit ito ay tinanggihan. Nagbigay na lang ng isang gintong drakma si Zeus bilang isang paraan upang suhulan si Charon, para sa mga pagdaan sa Underworld. 

        Sa paglaban sa Medusa , binaril ni Gorgon si Solon, atsiya’y namatay . Napatay naman ng Medusa sina Ixas at Eusebios. Perseus pagkatapos malinlang si medusa, at habang sinusubukan ni Sulieman ang pagpugot ng ulo nito ngunit humantong lamang sa paghiwa ng ilang mga ahas sa kanyang ulo. Natrap ni Medusa si Suleiman sa pamamagitan ng likaw ng buntot sa paligid nito at mga pagtatangkang gawing bato siya. Matapos isakripisyo ni Draco ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagkuha ng atensyon ni medusa ay nagawa ni Perseus na putulin ang ulo nito. Pagusbong mula sa Underworld, nakita ni Perseus si Calibos ng saksakin nito si Io mula sa likod. Pagkatapos ng isang maikling duwelo, napatay ni Perseus si Calibos, gamit ang tabak mula sa Olimpus, na nagbalik kay Calibos sa pagiging tao. Sa kanyang huling hininga, Calibos (ngayon Acrisius) sinabi nito kay Perseus na huwag maging tulad ng mga dios.Nakita ni Perseus si Io na maging gintong alikabok. Pagkatapos bumalik na sa Argos si Perseus gamit ang kabayong si Pegasus dala-dala ang ulo ni medusa.

Sa Argos, ang mga sumasamba kay Hades ay inihahanda ng isakripisyo si Andromeda sa Kraken. Nang pakawalan na ang Kraken , sinabi ni Hades kay Zeus na ang pagsira ng Argos ay magbibigay sa kanya ng sapat na kapangyarihan upang ibagsak ang iba pang mga Olympians, na magtatapos sa kapangyarihan ni Zeus, bilang paghihiganti ni Zeus sa paglinlang sa kanya,sinabi ni Zeus na buhay pa si Perseus sa Argos. Kahit nagpadala si Hades ng kanyang harpies upang patayin si Perseus,nagawa pa ring talunin ni Perseus ang kraken sa pamamagitan ng ulo ni medusa at nailigats si Andromeda. Pinigilan ni Cepheus si Prokopion, ang lider ng kulto, sa pagpatay kay Andromeda ngunit pareho silang namatay ng mabagsakan ng durog na mga bato mula sa Kraken. Lumitaw si Hades at sinabing isa syang immortal kaya’t hindi sya mapapatay ni Perseus. Sinabi ni Perseus na si Hades ay maaaring mabuhay magpakailanman, ngunit hindi sa mundo ng mga tao. Pagkatapos ay ginamit niya ang Sword of Olympus na may kasamang kidlat mula kay Zeus na tumama sa dibdib ni Hades na nagpabalik ditto sa Underworld at hindi na nakita muli. Tinanung ni Andromeda kung papayag na maging hari ng Argos si Perseus ngunit siya ay tumanggi. Muling nag-alok si Zeus kay Perseus na sumama ito sa Olympus, ngunit muling tumanggi ito. Dahil nais manatili ni Perseus sa mundo, ibinalik na lang ni Zeus si Io bago ito tuluyang lumayo.

Future Attack

         Dumating ang maraming taon kumalat sa  buong  mundo agn makabagong teknolohiya. Dumami ang mga kagamitan na nakakatulong sa mga tao at sa lahat ng may bu hay sa mundo. Maraming nagbago mula ng dumating ang mga matatalinong imbentor . Sila ang mga gumagawa at nagiimbento ng mga kagamitan na tutulong sa mga tao at sa unti unting pagkasira ng mundo. Ngunit may imbentor din na masama at gumagawa ng imbensyon na nakakaapekto sa mga tao at sa mundo. Isa na dito si Dr.Norman na mainggitin at masama.
      
         Sa paaralan ng Dizon, may mga kabataan na mahilig sa mga imbensyon ng kanilang paboritong imbentor na si Dr.Francis Luna. Sina Marco, Red, at Judy ay magkakaibigan na nagtuturo ng tamang gamit ng mga bagong imbentong gamit. At habang nagkaklase ang magkakaibigan sa  pinaka mataas na seksyon, ay dumalaw sa kanila si Dr.Francis. Dumalaw siya upang makapag-isip ng panibagong imbensyon at tumulong sa kanya na mga estudyante para sa isang misyon. Kasama ang anak na si  Regine ay  pumasok sila sa silid ng magkakaibigan, dahil sa pagkamanghaay agad na tumayo ang tatlo at agad na nagpakilala  kay Dr.Francis. Nabigla din ang imbentor sa ginawa ng magkakaibigan . Pagkatapos makipagkilala ay tinungo kaagad ni Red si Regine upang makipagkilala, ngunit nahalata ito ng ama at agad silang pinaupo. Sinabi na ng imbentor ang tunay na pakay sa mga estudyante. Maraming nagprisinta ngunit tatlo lang ang kailangan niya.


        Dahil sa nalaman ng imbentor ang mabuting intensyon nila Red, Marco at Judy ay sila ang pinili nito. Isinama na sila ni Dr.Francis sa kanyang laboratoryo pagkatapos ng kanilang klase. Sumakay sila gamit ang teleporter car ni Dr. Francis . Pinasyal ni Regine ang tatlo sa lab, makita nila ang mga kakaibang imbesyon ng imbentor . Muntikan pang makasira si Red dahil sa taglay na kakulitan nito.
courtesy of google.com


         Tinawag na sila at pinapunta sa tagong silid. Pinakita ni Dr.Francis ang ibibigay niya sa mga bata. Ito ay ang vetrogadget, isang relo na kayang kumontrol ng iba't-ibang elemento. Ibinigay niya ito sa mga bata, ang itim na vetrogadget ay ibinigay kay Marco na kumokontrol sa lupa at bakal. Ang puti ay kay judy na kayang kontrolin ang hangin. Si Red ang nakatanggap ng pula na kumokontrol ng apoy, agad na umiral ang kakulitan nito at sinubukang testingin ito, ngunit agad itong naagapan ni Regine na may hawak ng asul na vetrogadget na kayang kumontrol ng tubig.


        Agad na silang nag-ensayo at sinubukan ang kanilang mga lakas. gamit gmit ang vetrogadget. naging isang grupo ang apat, agad naman nagkasundo sina Regine at Judy dahil parehas nilang libangan ang kompyuter at parehas silang babae. Si Marco ang naging lider ng grupo dahil siya ang pinakamatipuno at pinaka malakas ang pangangatawan. Habang si Red ay patuloy na nanlilligaw kay Regine habang nag-eensayo. Sa malawak na silid nila ito ginawa at ipinakita ang kanilang mga lakas.


        Sa kabilang banda ay naguumpisa na ring maghimagsik ng kaguluhan si Dr. Norman. Gumawa  siya ng
mga robot upang sirain ang mga gawa ni Dr.Francis at pinsalain ang mga tao. Nanguna dito si Lancer na kanang kamay ni Dr.Norman at isa ring robot.


        Dahil sa nalaman ito ni Dr..Francis, umisip kagad siya ng paraan upang sugpuin ang balak nito. Papalapit na ang mga robot ni Dr.Norman sa lab ni Dr.Francis upamg sirain ang mga imbensyon nito at siya na ang magiging pinaka magaling na imbentor sa lahat. Nakahanda na rin ang magkakaibigan, suot ang kanilang mga vetrogadget at armor suit nila.


       Dumating na ang inaasahan, dumating na mula sa himpapawid ang daan daang robot ni Dr.Norman ngunit di agad ito pinapalampas ni Judy at nagpakawala ng tornado upang itaboy sila. Kasabay ang flame thrower ni Red upang mabawasan pa ang mga ito. At lahat naman ng bumababa sa lupa ay agad winawasak ni Marco gamit ang malabatong kamao at at bakal na katawan nito. Kakaiba naman ang ginawa ni Regine na nagpakawala ng tidal  wave at sinira ang mga robot nito kasama si Lancer .


       Unti-unti ng napapagod ang mga bata at nasasaktan na rin sila. Dahil sa pagkapagod ay biglang natamaan si Red ni Lancer gamit ang kanyang canonwave. Agad naman siyang kinuha ng tatlo at tinulungan. Habang hinaharangan ni Marco ang pwesto nila ay ginagamot na ni Regine si Red at binibigyan naman ni Judy si Red ng sariwang hangin.


       At ng umayos na si Red, naging determinado siya at pursigidong tapusin na ang laban dahil sa ginawa ni Regine sa kanya. Nagaapoy ang mga mata ni Red na pinaulan ng fire ball ang mga robot at si Lancer ay kanyang pinabagsak sa tulong na rin ng mga kaibigan. ngayon ay nagkaroon n aa ng lakas ng loob ang lahat upang tapusin na ito. Naubos na nga ang mga robot, masaya na ang lahat dahil sa tagumpay nila, pero di pa huli ang lahat. Dumating si Dr.Norman upang pasabugin ang laboratoryo sa pamamagitan ng imbensyon niyang makapangyarihang robot.


         Mabuti na lang at nai-upgrade agad ni Dr. Francis ang gamit na vetrogadget upang lumakas pa ang relo.
Naging isang higante si Marco dahil panagdikit dikit niya ang mga bato sa kanyang katawan. Tinapatan kaagad si Dr.Norman. Habang pinapainitan at binabasa nila Red at Regine ang robot ay pinpalipad naman sila ni Judy. Unti-unting humina ang dipensa ng robot at bumagsak ito sa suntok ni Marco.


        Natapos na ang gulo, masaya na ang lahat pero pagod na ang mga bata. Natigil na rin ang plano  ni Dr.Norman. Napatunayan na ri na si Dr.Francis ang pinaka magaling na imbentor sa mundo. Dahil ito sa tulonmg nila Red, Marco, Judy at kanyang anak na si Regine.


        Pinatunayan lamang nito na walang maidudulot na kabutihan ang kasakiman atinggit. Mas mabuti pa rin ang maging mapagkumbaba. At kailangan din ng pagtutulungan upang matapos ang isan gawain. Bumalik na sa paaralan ang tatlo, nagpasalamat si Dr.Francis sa kanila. Binigyan ito ng gantimpalang siguradong magugustuhan nila. humiling si Red na dumalaw sila lagi dito para kay Regine. Pumayag naman ito at masayang tumango. Ngayon ay umuwi sila na dala ang ngiti at ala alang hindi mapapalitan.